Wednesday, September 16, 2015

Tips para makaiwas sa SCAMMER!

“Mahirap kumita ng pera” Yan ang sabi ng mga PINOY. Pero ang tanong, gumagawa ba sila ng paraan para kumita ng pera? Tayong mga PINOY ay mahilig bumili ng mga gamit pero sa una lang gagamitin pero kapag naluma na, wala na! papabayaan nalang.
Pero di natin alam na ang lumang gamit ay pwede pang ibenta. Pwede maging pera. Naisip ba natin yun? Siguro nga naisip natin yun pero ang pumasok sa isip mo ay yung ibenta sa junk shop. Pero ang tunay na ibig sabihin ko ay yung ibenta sa onlineshop.
               
Ang online shop ay yung bagong sumikat ngayon sa buong mundo lalo na sa Pilipinas. Pwede mo ibenta ang gamit mong di mo na ginagamit. Gamit ang online shop makikita ng tao sa buong mundo ang binebenta mo kaya naman mas mabilis ka makakahanap ng buyer.
                
Kahit na madali lang magbenta at bumili sa online shop, kailangan pa rin natin makasiguro at mag-ingat sa pag gamit nito. Dahil sa mabilisang pagsikat nito ay marami ring masasamang tao na nanloloko na kung tawagin ay scammer. Kaya may tips ako para makaiwas sa SCAMMER:


  • Gumamit ng secure password.

Lumikha ng password na ikaw lang ang nakakaalam at mahirap hulaan

  • Wag magbigay ng sariling impormasyon.



  Wag kang magbigay ng SSS number o anong pangsariling impormasyon.

  • Wag mag-accept ng friend request.

                        
Wag mag-accept ng friend request ng mga taong hindi kilala dahil ang mga scammer ay nagmamasid sa ating social media profile.

  • Gumamit ng mapagkakatiwalaang online store.

                                 
Wag gumamit ng website na merong poor quality feedback sa customer. Para mapanatiling ligtas, gumamit ng online store website na merong contact information, customer service at excellent rate sa mga users.



Ayan ang mga tips kong mababahagi sa inyo. Sana sundin niyo at wag niyong kalimutan yan lalo na yung pagpili sa mapagkakatiwalaang online store. Keep safe my friends! ^_^